Tuesday, 26 September 2017

BayBaYin : MaNGa PaLaTanDaAn

BayBaYin:
MaNga PaLaTanDaAn 
UPang MaKaTuLong 
Sa PagKiKiLaLa Nang TiTik

facebook page
BayBaYin: Araw nang manga Katutubong Panulat

facebook album:
BayBaYin: MaNga PaLaTanDaAn

youtube:
BayBaYin ARaw

makikita rin sa nabuong salita 
o laman ng pangungusap 
kung anu ano ang mga titik 

Tumpak! 
Ganoon! 


------------------------------------------------

Ang Titik AA

makikita ang palatandaan
sa kaliwa o unang bahagi ng titik

kung mayroon siyang
kapunapunang marka o anyo
sa bahaging ito

malamang titik A yan

o di ba Ang Arte

A
Arte


------------------------------------------------

Ang Titik IE

eh paano naman nalalaman 
kung titik E o I?

kapag ang anyo ay nahahawig
sa equal sign =
o dalawang para||el
o magkahanay na hugis

ang nakikita ko rito
ay dalawang magkabilang pampang ng
I-LOG
I LOG
I LOG


------------------------------------------------

Ang Titik UO

ano pa nga ba?
e di kamukha ng bilang na tatlo 3 ^^

tatlong pahalang
na magkakahanay
na hugis

na magkakadikit sa kanang bahagi


------------------------------------------------

Ang Titik BaBa

BAsta may BUtas sa gitna ^^
na siyang pangunahing hugis

ilan pang mga titik na may butas
ay titik Pa Ma Wa at Ya

o kaya

BABAe
suso ng BABAe

sa ingles?

BOobs


------------------------------------------------

Ang Titik KaKa

dalawang pahalang na hugis
na pinag-isa sa gitna

KAtig

outrigger canoe
bangkang may KAtig
sa isang bahagi
top view ^^

KAtig


------------------------------------------------

Ang Titik DaDa

DAlawang pahalang na hugis
na pinag-isa sa kaliwa 
o sa unang bahagi nito

wala akong maisip na kahugis nito
na nagsisimula sa Da Di/De o Du/Do
kayo meron? hehe

ito pala
DA
DAlampasigan
may kalahating bahagi
ng bundok sa kaliwa
horizon sa taas
at DAlampasigan sa baba

o ha napilit pa haha

waDA DA agong baiDIp DA DAliDAg DAgDIDIbuDA DA DIDIk DA ^^


------------------------------------------------

Ang Titik GaGa

number 3 na may buntot

GUnting
may hawakan
at may katawan
GUnting

hugis GUnting

yan


------------------------------------------------

Ang Titik HaHa

ang HAngin
maaaring magmula
sa HArap
sa liHIkod
sa kaHAnan
sa kaHAliwa
at sa giHIlid giHIlid

nagbabago ng galaw
paliku liko

walang HAngin
ang manggagaling
sa lupa
kaya maaaring paHAlang
ang titik HA
tulad ng mabilis
na HAngin pakanan!

HAAAANGIN!

HA?

hahaha ^^


------------------------------------------------

Ang Titik LaLa

ay may?

may LAwit

maLAking dipang
may LAwit
sa gitna
o medyo giLId

minsan paugat ugat
minsan matigas na patuwid

mga haLImbawa
ng mga saLItang
nagsisimuLA
sa titik LA:

LALAki
LAgi
LAwit
LAkas
LAmang
LAban
LAlo
LAbas
LAnta
LAos
LAmog
LAmbot
LAspag
LAgot
LAtag
'LA na malay tao

LALALA

nga pala
mukha siyang T ^^


------------------------------------------------

Ang Titik MaMa

MAnok ^^

MAy katawan
MAy buntot
MAy ulo

e bat walang paa?

e syempre di kita
nakaupo ^^

sige na nga
baligtad na letter A na lang ^^

o kaya ulo na may sungay

A
MAnok
sungay

MAnga hayop na may sungay ^^
MAka
MAmbing
MAlabaw
MAligno hehe


------------------------------------------------

Ang Titik NaNa

NAnay

hulaan niyo kung bakit? ^^
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ayan yung NAnay mo
NOong ipiNApanganak ka

NAhirapan siya
kaya kailangang
malaking buka

NAsaan ka dyan?

wala NA
karga ka ng kumadroNA

ayan yung
umbilical cord mo

NAsa NANAy mo pa ^^

NA
NANAY ^^


------------------------------------------------

Ang Titik NgaNga

NGANGA
haha
wala na akong maisip e
haha

ayan o nakaNGANGA
papunta sa kaliwa
tapos may leeg pa ^^

NGANGA

kalahating buwan
na may buntot

baligtad na letter C
o parenthesis
na may buntot

)— parang ganyan

mas madaling tandaan

NGANGA ^^


------------------------------------------------

Ang Titik PaPa
PAngil

e kasi may PAngil na sa kaliwa
may PAngil PA sa kanan

nakangisi PA
PArang nakakaloko haha

minsan nakadila PA
sa kanan kasi may bilog haha


------------------------------------------------

Ang Titik SaSa
Swan haha
ayaw mo?
e di SISne ^^
Swan din ibigSAbihin niyan ^^

SA kaliwa makikita ang tuka
tignan mong maigi
kita mo?

SA kanan makikita ang pakpak

di ba ang kuyut? haha

lipad Swan lipad!
ay SISne pala ^^


------------------------------------------------

Ang Titik TaTa
TAbak

basTA TAbak ^^

e kasi may hawakan sa kaliwa
TApos pahaba
yung ibang TAbak TUwid
yug iba naman naka kurba

hayaan mo na
basTA ganyan ang hugis haha

may naiisip ka bang
kahugis niyan
na nagsisimula
sa TITIk TA?

a

TATAY
may nakaTINdig
at nakaTAyong...
TAbak haha


------------------------------------------------

Ang Titik WaWa

WAla lang haha

sige na nga
buWAn
kalahating buWAn
na nakaharap sa kaliWA

minsan meron siyang
bilog sa itaas na nasa kaliWA

WAAAAAAA!


------------------------------------------------

Ang Titik YaYa
YAri

kasi huli na yang katinig ^^
YAri na pagkatapos nito

huwag ipagkamali sa titik HA
ang palantadaan at pagkakaiba
ay sa unang hugis

minsan ding may bilog
na nasa kanan

YA rayt ^^


------------------------------------------------

ang titik YaYa
bilang pangunahing hugis
ng mga titik

ang paalon 
na may dalawang tuktok
at may isang lambak
(valley po ang lambak) ^^

sa pamamagitan ng hugis na ito
maaaring isulat ang iba pang titik
maliban sa
titik U, Ba, Ga, Na, Nga at Wa
susubukan mo bang gawan? ^^

ang mga nasa larawan ay mga titik
A I Ka
Da Da Ha
La Ma Pa
Pa Sa Ta
Ya Ya


------------------------------------------------

iwasan ang kalituhan
sa pamamagitan
ng pagsulat 
ng mga hugis
sa tamang bahagi ng titik

dito
ang mga guhit
sa ibat ibang bahagi ng titik
ay maaaring baguhin
ang pagkakabasa sa titik

A Da Ma
Pa Ya


------------------------------------------------

ang manga pinapayak 
na hugis
nang mga titik








No comments:

Post a Comment